BOLINAO, PANGASINAN – Dead-on-the spot ang isang mister habang malubhang sugatan ang kanyang asawa matapos silang pagbabarilin ng riding-in-tandem Bolinao.
Kinilala ni Bolinao chief of police Chief Inspector Marcos Anod, ang biktimang si Edgar Tugade, samantalang sugatan naman ang kanyang asawa na si Norma, parehong taga-Barangay Pulang, Bolinao, Pangasinan.
Ayon kay Anod, papauwi na ang mga biktima na naghatid ng kanilang bisita ng harangin ng dalawang suspect sakay ng motorsiklo at pagbabarilin ang mga biktima.
Agad na tumakas ang mga suspek matapos makita ang dawalang biktima na natumba at duguan.
The post Mister utas sa ratrat, misis kritikal appeared first on Remate.