Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

2 titser nireyp; 1 sa 3 suspek, natiklo

$
0
0

DALAWANG titser ang hinalay habang minolestiya naman ang isa pa at dalawang estudyante sa Kabugao, Apayao nitong Sabado ng gabi, Enero 8.

Hindi naman pinangalanan ang dalawang titser na hinalay at ang isa pa nilang kasamahan at maging ang dalawang high school student.

Nahuli naman agad ang isa sa mga suspek na si Wilner Tuvera nang aksidenteng pumutok ang kanyang hawak na baril.

Tinutugis na rin ng pulisya ang dalawa pang kasamahan ni Tuvera para panagutin sa krimen.

Sa salaysay ng dalawang estudyante na hindi pinangalanan, bumisita sila sa inuupahang bahay ng kanilang guro sa Sitio Taracay, Lenneng.

Pauwi na sila nang pagbukas nila ng pintuan ay may tatlong lalaking nasa labas kaya dahil sa takot ay sinara nila ito.

Pero isa sa mga suspek ang mabilis na nakapasok at saka sila tinutukan ng baril bago ginahasa ang dalawang titser.

Habang hinahalay ng dalawang suspek ang kanilang biktima, minomolestiya naman ng isa pa nilang kasamahan ang isa pang titser at dalawang estudyante.

Habang ginagawa ang kahalayan, aksidenteng pumutok ang baril ng isa sa mga suspek at tinamaan ang kanyang ilong.

The post 2 titser nireyp; 1 sa 3 suspek, natiklo appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>