NASAKOTE ang isang lalaki matapos i-hostage ang kanyang mga anak at isang pamangkin sa Bagong Barrio sa Caloocan, alas-7:30 Linggo ng gabi.
Tumagal ng halos apat na oras ang pangho-hostage ng suspek sa anim na biktima sa Golden Valley Subdivision.
Ayon kay Police Supt. Ferdinand del Rosario ng Barugo Police Station, tinutukan ng kitchen knife ng 30-anyos na suspek na si Emmanuel Palasol ang kanyang anim na taong gulang na pamangkin kasama ang mga anak.
Hiling ni Palasol, makausap ang misis na si Emily na bihira na aniyang umuwi sa kanila.
Kaagad naman sumuko ang suspek nang makita ang misis.
Paliwanag ng suspek, magmula nang mahuli niyang may textmate ang misis noong Nobyembre 2013, hindi na ito umuwi pa sa kanila at hinala niya, mayroon itong ibang lalaki.
Pero kinontra ito ng kanyang misis.
Ani Emily, sinadya niyang iwan si Palasol dahil sa kawalan nito ng trabaho bukod pa sa madalas nilang pag-aaway.
The post Mga anak, pamangkin hinostage, kelot dakip appeared first on Remate.