Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Naaksidenteng Florida bus kolorum

$
0
0

KOLORUM ang naaksidenteng Florida bus sa Mt. Province na ikinamatay ng 14.

Ito ang pahayag ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chair Winston Ginez.

Ani Ginez, hindi pa dapat bumibiyahe ang nahulog na GV Florida Bus dahil Setyembre 2013 lamang ito nabili at wala pang approval ng LTFRB.

Aniya, ang bus ay mula sa fleet ni Norberto Que, Sr. ng Mt. Province Cable Tours.

May deed of absolute sale umano sa pagitan ng dalawa ang LTFRB ngunit hindi pa nadedesisyunan ang LTFRB board kung dapat itong bumiyahe.

Wala pa itong “yellow plate” na iniisyu sa mga pampublikong sasakyan.

Sinabi pa ni Ginez na ayon sa LTFRB technical division, ang tumatanggap at nag-e-evaluate ng mga aplikasyon, wala pang application ang Florida sa mga nabiling bus.

Mismong ang legal counsel ng Florida Bus na si Atty. Alexander Versoza ang umaming bumiyahe sila kahit alam nilang kolorum ito.

Katwiran ng abugado, pina-process na ang mga papeles at kailangan nilang magbiyahe dahil ang Mt. Province Cable Tours lamang ang bumibiyahe sa rutang Bontoc-Sagada.

Inaalam na ng LTFRB kung ilan sa 201 units ng Florida Bus ang ilegal, at kung pasado sila sa road worthiness test at inspeksyon ng Land Transportation Office (LTO).

Ipinailalim na rin sa drug testing ang mga driver.

Ani Ginez, mga legal at awtorisado ang mga bus ng Florida sa ibang ruta tulad sa Cagayan, Nueva Vizcaya at Ilocos bukod na lamang sa rutang Bontoc – Sagada ngunit kasama pa rin sila sa suspensyon.

Ang nahulog sa bus ay isa sa 10 bus na nabili ng Florida sa kumpanya ni Que.

Dalawa lamang sa 10 ang bumibiyahe.

Nasa proseso rin ang Florida sa pagbili ng bus mula Dagupan at Dangwa Transports.

Samantala, nangako ang GV Florida na pananagutan nila ang lahat ng ginawa nilang paglabag sa batas.

Handa rin silang tulungan ang lahat ng mga biktima sa nahulog na bus sa Mountain Province at mga kaanak nito, pati na ang pagbiyahe, pagpapagamot at pagpapalibing sa mga namatay.

Ayon kay GV Florida Tranport vice president Virgilio Florida, Jr., sasagutin ng kanilang abugado ang lahat ng akusasyon laban sa kanila.

Nilinaw din ni Florida na 180 lamang ang kanilang bus units.

Pebrero 19 ang itinakdang public hearing ng LTFRB sa dalawang bus lines kaugnay ng insidente.

The post Naaksidenteng Florida bus kolorum appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>