SINUGOD ng mga miyembro ng Gabriela ang isang sangay ng Meralco sa Quezon City kaninang umaga, Pebrero 10.
Gamit ang mga lumang takure at mga lata, kinalampag ng mga kababaihan kabilang ang ilang ina ng tahanan ang sangay ng Meralco sa Efipanio delos Santos Avenue (EDSA) sa Barangay Kamuning.
Bitbit nila ang kopya ng mga billl sa kuryente na may stamp na “paid under protest”.
Bilang mga nanay anila, hirap na silang mag-budget sa kanilang mga gastusin sa bahay at dadagdag pa sa kanilang paghihirap ang taas-singil sa kuryente.
Samantala, nanawagan naman sa Kongreso ang Freedom from Debt Coalition (FDC) na kanselahin na ang prangkisa ng Meralco na ibinigay ng gobyerno.
Giit ni FDC President Ricardo Reyes, isang pamba-blackmail ang pahayag ng kumpanya na magkakaroon ng malawakang brownout kung hindi aalisin ng korte ang ipinataw nitong temporary restraining order (TRO) sa taas-singil.
The post Sangay ng Meralco sa QC, kinalampag appeared first on Remate.