Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Ginang na may sayad, nagbigti sa Caloocan

$
0
0

DEDO ang isang ginang na may diperensiya sa pag-iisip dahil sa depression sa Caloocan City Linggo ng madaling araw, Pebrero 9.

Patay na nang makita si Marilou Dug-Os, 53 ng Phase 8-A, Bagong Silang ng lungsod.

Sa ulat, alas-5:30 ng madaling-araw nang makitang nakabigti ng nylon cord ang biktima ng kanyang anak na lalaki sa bodega sa loob ng kanilang bahay.

Nabatid sa mga kaanak na biktima na noong nakalipas na Enero ay pinayuhan na sila ng doktor na patingnan sa National for Mental Health ang biktima dahil sa depression na inaabot.

Nagsasalita rin ang biktima na gusto niyang magbigti bago pa matagpuan ang kanyang bangkay.

The post Ginang na may sayad, nagbigti sa Caloocan appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129