PATAY ang 48-anyos na anak matapos barilin ng kanyang sariling ama sa loob ng kanilang bahay sa Barangay Casanayan, Pilar, Capiz.
Nagtamo ng pitong tama ng bala ng baril sa katawan si Jomar Fuentes mula sa boga ng kanyang ama na si Pelagio Fuentes, 83.
Ayon kay S/Insp. Errol Guatche, hepe ng Pilar police Station, duguan ang biktima nang matagpuan ng mga pulis matapos nagresponde sa insidente.
Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na madalas pagbuhatan ng kamay ng biktima ang sariling ama kapag ito ay lasing.
Napag-alaman na bago ang krimen ay nag-away pa ang dalawa hanggang sinakal ng anak ang ama na naging dahilan para maubos ang pasensiya nito at barilin ang anak.
Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng Pilar PNP ang suspek.
The post Tatay inutas ang ‘bully’ na anak appeared first on Remate.