BAYAMBANG, PANGASINAN – Isang construction worker na nagbibigay ng marijuana at shabu sa kanyang katrabaho ang nahuli ng police sa isinagawang buy-bust operation sa Bayambang, sa nasabing lalawigan.
Kinilala ng Bayambang police ang suspect na si Ericson Nunez, ng Barangay San Vicente, sa nasabing bayan.
Sa imbestigasyon, si Nunez ay nasa “order of battle” at under surveillance ng mahigit na dalawang buwan.
Ayon sa mga police, nagsagawa sila ng buy-bust operation matapos makatanggap ng tawag sa tipster hinggil sa kinaroroonan ng suspect.
Ang suspect ay hindi na nakapalag ng masukol siya ng mga police na magde-deliver sana siya ng illegal na droga sa mga construction worker na suki siya.
The post Construction worker na pusher tiklo appeared first on Remate.