SUGATAN ang isang batang lalaki nang mahagip ng tren ng Philippine National Railways (PNR) sa San Andres Bukid, Maynila.
Inaalam pa ang pagkakakilanlan ng biktima na nasa edad 8 hanggang 9, nakasuot ng orange na t-shirt at blue shorts.
Ayon kay Kagawad Rene Acodili ng Brgy. 807, Zone 87, naglalaro ang bata sa gilid ng riles ng tren nang mahagip at lumusot sa ilalim.
Agad namang nakahinto ang tren at dinala ang bata sa ospital.
Sa pagsusuring ginawa ng ospital, lumabas sa x-ray result na may basag ang buto sa dalawang balikat ng bata at sa kanyang collar bone.
Isasailalim din sa CT-scan ang bata upang malaman kung may pagdurugo sa kanyang utak .
Nabatid na dayo lamang sa lugar ang bata dahil hindi ito kilala sa lugar.
The post Bata nakaladkad ng tren sa San Andres, Maynila appeared first on Remate.