DINAMPOT ng Quezon City Police District (QCPD) ang 19 kalalakihan nang maaktuhang nag-iinuman sa kalsada nitong Martes ng gabi.
Sa isang ordinansa, ipinagbabawal ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang pag-inom ng alak sa mga lansangan para makaiwas sa gulo na dala ng kalasingan.
Ayon sa QCPD, kadalasang naitatalang kaso ay physical injuries at ang lasing na indibidwal ang nananakit at ang iba naman ay nagnanakaw para lang matustusan ang bisyo sa alak.
Giit naman ng isa sa mga naarestong lalaki na hindi naman sila nasabihan na bawal palang mag-inuman sa tabi ng daan.
Pero ayon sa pulis, puspusan ang pagpapaalala ng mga taga-barangay sa mga ordinansa para maiwasan ang krimen.
Ang mahuhuling lalabag sa ordinansa ay maaaring pagmultahin o makulong.
The post 19 tiklo sa QC ‘Oplan Galugad’ appeared first on Remate.