Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

AIDS victim, inabot ng kamatayan sa Boracay

$
0
0

INABOT ng kamatayan ang isang AIDS victim habang nagbabakasyon sa isla ng Boracay.

Sinabi kaninang umaga, Pebrero 19, ni Dr. Cornelio Cuatchon, Jr., hepe ng Provincial Health Office (PHO), na kanilang itinago ang pagkakakilanlan ng nasabing banyaga para sa proteksyon na rin nito at ng kanyang pamilya at batay na rin sa RA 8504 o Philippine Aids Prevention and Control Act of 1998 kaugnay sa isyu ng ‘confidentiality’.

Bukod dito, hindi na rin nila isinama ang pangalan ng naturang foreign national sa talaan ng kanilang HIV-AIDS deaths sa Aklan.

Nalaman ni Cuatchon sa pamilya ng biktima na nakapagparehistro na ito sa pinanggalingang bansa bilang AIDS victim bago nagbakasyon sa Boracay.

Napag-alaman na ang pamilya mismo ng biktima ang kumuha sa bangkay ng foreign national sa isang pribadong ospital sa Kalibo, Aklan at dinala sa Iloilo upang ipa-cremate.

Dalawang linggo pang na-confine ang biktima sa naturang ospital.

Karamihan sa mga bagong kaso na nagkakasakit ay mga lalaki na nasa 90 porsiyento.

Inaalam pa ngayon ng PHO-Aklan kung nagkaroon ng kasintahan ang naturang dayuhang AIDS victim habang nagbabakasyon sa isla.

Noong 2013, nakapagtala ang Aklan ng 36 na kaso ng HIV-AIDS at walo ang kumpirmadong namatay.

The post AIDS victim, inabot ng kamatayan sa Boracay appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>