Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Drug group ‘nalagas’ sa buy-bust

$
0
0

TUMIMBUWANG ang isang notorious drug group member matapos magtangkang lumaban sa mga awtoridad sa isinagawang drug operation sa Purok 15 Upper Piedad Bato, Toril, Davao City nitong nakalipas na hapon ng Pebrero 15, 2014.

Kinilala ni PDEA Director General Undersecretary Arturo Cacdac, Jr. ang suspek na si Benifredo Campos, alyas Bai Dodong,34, ng Lopez Jaena Extension, Tandang Sora, Butuan City and Sta. Marihatag, Surigao del Sur.

Ayon kay Cacdac si Campos ay positibong miyembro ng 14K Mindanao Drug Group na ang kanyang suplay ng iligal na droga ay mula sa Carmona, Cavite at ibinabiyahe sa Mindanao na karamihan ay sa Region 11.

Nabatid sa ulat na alas-3:30 ng hapon sinalakay nang pinagsanib na operatiba ng PDEA Regional Office 11 at Toril Davao City PNP ang Toril Davao City at dinakip si Campos nang bumunot ng cal. .38 na baril dahilan para paputukan ng mga awtoridad ang suspek.

Agad isinugod ang suspek sa pinakamalapit sa ospital subalit idineklara itong dead on arrival.

Nakuha mula sa suspek ang may 60 gramo ng shabu na may street value na P540,000, isang cal. .38 rebolber na baril na may tatlong bala at kulay itim na Myphone cellphone.

Ang mga nakumpiskang droga ay dinala na sa Davao City Regional Crime Laboratory para sa kaukulang eksaminasyon.

The post Drug group ‘nalagas’ sa buy-bust appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>