NASAKOTE ng mga awtoridad ang tatlong menor-de-edad kabilang ang dalawang high school students habang nasa aktong nagpa-pot session sa Rosales, Pangasinan.
Nabatid na naaresto ang mga suspek sa isang abandonadong bahay kasabay nang isinagawang anti-drug operation ng Rosales-PNP.
Kabilang sa mga narekober sa tatlo ay mga pinatuyong dahon ng marijuana, isang brick at mga drug pharapernalia.
Nasa pangangalaga ng kapulisan ang tatlong suspek na inaasahang dadalhin sa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) Office.
The post 3 menor-de-edad timbog sa pot session appeared first on Remate.