MAGTATALAGA na ng tagapagsalita ang Philippine National Police (PNP) at lilimitahan na ang maaaring magsalita hinggil sa mga partikular na kaso katulad ng mga patungkol sa patayan.
Sinabi ni Philippine National Police (PNP) PIO Chief Supt. Reuben Sindac, ito ang iniutos ng National Capital Region Police Office (NCRPO) matapos magpatawag ng emergency meeting si PNP Chief Dir. Gen. Alan Purisima.
Sinabi ni Sindac na sa mga partikular na kaso, tanging ang chief of police, district director at ang mga itinalagang tagapagsalita lamang ang maaaring ma-interview ng media.
Ang bagong kautusan ay matapos ma-monitor na mayroong ilang pulis o imbestigador ang nagbibigay na ng personal na opinyon sa kaso kapag ini-interview ng media.
The post Pagtatalaga ng tagapagsalita ng PNP ilalarga appeared first on Remate.