Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Chinese doctor, natagpuang patay sa klinika

$
0
0

NAKABAON pa sa dibdib ang ginamit na patalim sa 77-anyos na Chinese doctor nang abutan ng mga awtoridad sa kanyang klinika kagabi sa Binondo, Maynila.

Namatay noon din ang biktimang si Lam Hau Fai, internal doctor, ng 500 J. Luna St., Binondo, Maynila.

Sa report, alas-10 kagabi nang matagpuang wala ng buhay ang biktima ng kanyang kasambahay na si Alnalyn Basilisco, 38, nang sunduin sa kanyang klinika sa Rm. 503 Camelot Bldg. sa Juan Luna St., Binondo, Maynila.

Hinala ng pulisya na posibleng pasyente at kilala ng biktima ang suspek.

Sa imbestigasyon, alas-3 ng hapon kahapon nang dumating sa kanyang klinika ang biktima kung saan may naghihintay na isang lalaking pasyente.

Wala namang nawala sa mga gamit ng biktima at maayos din ang paligid nito, indikasyon na hindi pagnanakaw ang pakay ng suspek.

The post Chinese doctor, natagpuang patay sa klinika appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>