TINANGGIHAN ng isang opisyal ang isinuhol na P1 milyon ng naarestong Chinese national na naaresto sa pag-iingat ng droga sa Pasay City.
Ayon kay Police Inspector Cesar Teneros, ng Intelligence Section/Drug Enforcement Unit, nasakote nila ang suspek na si Hao Cheng, 47, pansamantalang nanunuluyan sa Room No. 605 Maxim Hotel Resort World ng nabanggit na lungsod.
Nagsasagawa ng inspeksiyon ang grupo ng Teneros, sa Jalandoni St., CCP Complex dakong 8:30 kagabi nang mamataan ang supek habang kausap ang isang lalaki na inakalang hinoholdap ang suspek.
Nilapitan nila ang dalawa pero kanilang naaktuhang sinusuri ng suspek ang isang plastic na naglalaman ng shabu at agad na nakaiktad ang lalaking kausap sakay ng motorsiklo.
Dinala ng mga tauhan ni Teneros ang suspek sa tanggapan ng DEU upang imbestigahan nang biglang dumating ang isang lalaki na may dalang supot na naglalaman ng salapi bilang suhol sa naarestong Chino.
Agad na tumakbo ang lalaki nang kunin ni Teneros ang salapi para gawing ebidensya sa panunuhol.
Dahil dito, sinampahan ng kasong paglabag sa Section 11 Art. 2 ng Republic Act 9165 dahil sa nakuhang droga at bribery o panunuhol ng P1 milyon kay Teneros.
The post P1M suhol tinanggihan ng Pasay-police appeared first on Remate.