TUMIMBUWANG sa 25-minutong engkwentro ang hinihinalang miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at isang pulis nang magbarilan sa Maguindanao kaninang umaga, Pebrero 20.
Naisugod pa sa pagamutan pero hindi na rin naisalba sanhi ng tama ng bala sa iba’t ibang parte ng katawan ang suspek na si Yusop Kusain, may kasong murder at multiple frustrated murder, gayundin ang isang P01 Acosta, na isa sa mga arresting officers.
Sugatan naman at nakaratay ngayon sa pagamutan ang isang SPO3 na hindi nakuha ang pangalan.
Sa ulat, naganap ang insidente dakong 7:25 ng umaga sa isang bisinidad sa Datu Paglas, Maguindanao.
Bago ito, isisilbi ng mga miyembro ng Special Action Force (SAF) ng Phillippine National Police (PNP) ang isang arrest warrant laban kay Kusain dahil sa nabanggit na mga kaso.
Imbes naman sumuko, putok ng baril ang isinalubong ni Kusain sa mga arresting officer na gumanti rin ng putok na nagpatimbuwang kay Kusain.
Narekober sa loob ng bahay ni Kusain ang isang M16 rifle at 50 basyo ng bala.
The post MILF at parak tigbak sa engkuwentro sa Maguindanao appeared first on Remate.