ARESTADO ang 32-anyos na padre de pamilya matapos ireklamo ng pangmomolestiya sa 4-anyos niyang anak sa Quiapo, Maynila.
Nakakulong na sa MPD-Police Station 3 ang suspek na si Glen Salmorin, ng 532 Quezon Boulevard, Quiapo at nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act. 7610.
Ang suspek ay inireklamo ng tiyuhin ng biktimang si Nene, 4, di tunay na pangalan.
Nabatid na nag-ugat ang reklamo laban sa suspek nang marinig ng tiyuhin ng biktima na minolestiya siya ng kanyang ama.
Gayunman, kailangan pang imbestigahan ang akusasyon laban sa suspek bago ito i-inquest sa piskalya.
Nabatid na alas-8 ng umaga kahapon nang molestiyahin ng suspek ang paslit at alas-5 kahapon nang maaresto ito ng pulisya.
The post 4-anyos anak minolestiya ng tatay appeared first on Remate.