Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

6-anyos na babae, kinatay ng pipi’t bingi

$
0
0

BRUTAL na kinatay ng isang pipi’t bingi ang anim na taong gulang na babae sa Barangay Sta. Maria, Matalam, North Cotabato.

Kinilala ng awtoridad ang suspek na si Marcelino Malapitan Odones, 26, residente sa Bayang Matalam.

Ayon kay C/Insp. Elias Diosmo Colonia, hepe ng Matalam PNP, ipinagbigay-alam ni Councilor Rolando Monesa ang naganap na krimen sa Purok Pagkakaisa sa nasabing barangay.

Agad namang rumesponde ang kapulisan kaya nasakote ang suspek.

Samantala, hindi naman pinangalanan ng pulisya ang biktima dahil sa pakiusap na rin ng pamilya.

The post 6-anyos na babae, kinatay ng pipi’t bingi appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>