SINALAKAY ng mga awtoridad ang isa na namang drug den sa Naga na nagresulta sa pagkakaaresto sa walong katao.
Sa nakalap na impormasyon, naaktuhan ng mga pulis ang walong kalalakihan na naglalaro ng cara y cruz sa Barangay Penafrancia.
Subalit ng tangkang aarestuhin ng mga pulis ay sinubukan pa ng mga ito na tumakas at nagsipasukan sa harap na tindahan kung saan ang mga ito naglalaro.
Dito na sinundan ng mga pulis ang mga suspek na nahuli na kinilalang sina Noel Balla, Anthony Talagtag, Harold Talan, Oscar Coloma, Walter Morata, Dindo Ortinero, Jose Perez at Gregorio Savilla.
Bagama’t walang nakuhang droga, mga drug paraphernalia naman ang narekober ng pulisya sa naturang tindahan sa lugar na pinaghihinalaang drug den.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng Naga City Police Office sa mga suspek.
Una rito, sa naturan ding barangay nahuli ang 22 na mga suspek mula sa tatlong drug den noong nakaraang linggo.
The post 8 arestado sa drug den sa CamSur appeared first on Remate.