BALI ang braso ng 3-anyos na paslit matapos mahulog sa escalator ng 999 mall kagabi sa Binondo, Maynila.
Inoobserbahan sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) ang biktima na si Charles Ivan Pascual ng Valenzuela City.
Ayon sa ina ng paslit na si Melody Pascual, 40, kasama niyang namimili ang anak sa nasabing mall.
Habang sakay ng escalator sa ikalawang palapag ng mall ay bigla na lang itong nahulog.
Isinailalim na rin sa x-ray examination ang bata upang malaman ang naging pinsala sa kanyang katawan.
The post 3-anyos, nahulog sa escalator ng 999 mall pilay appeared first on Remate.