Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Pag-ulan sa MM dahil sa amihan – PAGASA

$
0
0

IPINALIWANAG ng PAGASA na walang dapat ipangamba sa naramdamang ulan kaninang madaling-araw sa ilang bahagi ng Metro Manila.

Ayon kay PAGASA weather forecaster Manny Mendoza, ang naranasang ambon ay dulot ng amihan o northeast monsoon.

Sinabi pa ni Mendoza, kung lumakas man ang mahinang pag-ulan kanina ay hindi rin magtatagal at walang dahilan para bumaha.

Pero sa ibang bahagi ng bansa lalo na sa Luzon at Visayas, may posibilidad na lumakas ang ulan dulot ng Amihan, partikular sa Aurora, Cagayan, Isabela, Quezon, Bicol Region, Eastern Visayas at Eastern Samar.

Sa pagtaya, hanggang unang bahagi ng Marso ay apektado pa rin ang bansa ng amihan at  pagsapit ng ikatlong linggo ng Marso, easterlies o mainit na hangin mula sa karagatang Pasipiko naman ang mararamdaman sa bansa.

The post Pag-ulan sa MM dahil sa amihan – PAGASA appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129