PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ang 21-anyos na estudyante ng kanyang kuya sa harap ng kanilang ina sa Molave, Zamboanga del Sur.
Kinilala ang biktima na si Jonathan Bermido, naisugod pa sa ospital subalit hindi na umabot nang buhay matapos pagsasaksakin sa tiyan ng kanyang kuya na si Michael Bermido, 23.
Ayon sa Zamboanga PNP, alas-7:00 kagabi nang maganap ang insidente sa bahay ng mga Bermido sa Purok Lili, Barangay Bogo Capalaran, habang nanonood ng TV ang biktima kasama ang kanilang ina.
Nakipag-agawan umano sa remote control si Jonathan sa kanyang nanay na nasaksihan naman ng suspek.
Dahil dito, nagdilim ang paningin ng suspek at inundayan ng saksak ang nakababatang kapatid.
Agad namang sumuko sa mga awtoridad si Michael.
The post Bunso kinatay ng kuya sa harap ng nanay appeared first on Remate.