Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

MILF Kumander Tundok, laya na

$
0
0

PINAKAWALAN na ng awtoridad si Ustadz Wahid Tundok ng 118th Base Command ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) nitong Martes ng gabi sa Maguindanao.

Kamakailan lamang, dinampot si Kumander Tundok ng mga tauhan ng Philippine Marines, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-ARMM) at Presidential Anti-Crime Commission sa Matampay bridge sa Cotabato.

Inaresto ito base sa warrant of arrest na ipinalabas ng korte sa mga kasong multiple murder at arson.

Ngunit iginiit ni MILF 1st Vice-Chairman for Political Affairs Gadzali Jaafar na labag sa umiiral na ceasefire agreement ang paghuli kay Tundok dahil kasama siya sa immunity guarantee sa nagpapatuloy na usapang pangkapayapaan sa Mindanao.

Agad namang kumilos ang GPH-MILF Joint Ceasefire Committee at iniapela ang pagpalaya kay Tundok.

Ikinatuwa naman ng MILF ang balitang pagpalaya sa kanilang commander.

Inihayag ni MILF spokesperson Von Al Haq na sa kabila ng kanilang saya sa magandang balita, malungkot naman sila sa pagkakapatay sa isa pa nilang commander Yusoph Kusain na sinasabing nanlaban sa awtoridad na nagsilbi ng warrant of arrest sa kanya sa Datu Paglas, Maguindanao.

The post MILF Kumander Tundok, laya na appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129