MALUBHA ang lagay ng isang music rapper matapos makursunadahan at pagsasaksakin ng hindi pa nakikilalang grupo ng kabataan kagabi sa Bgy. Longos, Malabon City.
Inoobserbahan sa Tondo Medical Center si Ron Allen Lutiung, 18, music rapper ng Blk. 8 Hito St., Longos, sanhi ng malalim na saksak sa likuran at kanang bahagi ng baywang.
Arestado naman ang isa sa grupo ng suspek na nakilala lamang sa alyas Nognog ng Tumana St. Northbay Boulevard South Navotas, habang pinaghahanap pa ang kasamahan nito.
Ayon sa ulat, alas-10:00 kagabi nang maganap ang insidente sa Martiniko St., nasabing barangay.
Nauna rito, kinursunada ng mga kabataan ang bikitma habang naglalakad kasama ang kaibigan nang pumalag ang biktima kaya siya sinaksak.
Patuloy na inaalam ng awtoridad ang motibo sa insidente.
The post Rapper tinarakan sa Malabon appeared first on Remate.