TINATAYANG 12 pasahero ang nasugatan makaraang ang dalawang bus sa southbound lane ng EDSA Buendia.
Base sa ulat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Metrobase, nabangga ng Ralph Benz bus na biyaheng Baclaran ang nasa unahang Precious Grace bus na patungo namang Ayala.
Ayon naman sa salaysay ng driver ng nakasalpok na bus na si Fidel Inage, nawalan siya ng preno kaya naganap ang banggaan.
Isinugod sa Ospital ng Makati ang mga sugatanan na pawing mga pasahero ng Precious Grace bus.
Dahil dito, nagdulot ng matinding bigat ng trapiko ang naturang insidente kung saan umabot sa P. Tuazon, Quezon City.