Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Tambay, todas sa riding in tandem

$
0
0

HINDI na umabot ng buhay sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang isang 42-anyos na tambay, sanhi ng mga saksak na tinamo sa dalawang magkaangkas sa motorsiklo sa Sta.Cruz, Manila kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Rowel Salustiano, may-asawa, ng 2244 Maria Natividad St., Sta Cruz, Manila sanhi ng tama ng saksak sa dibdib. Mabilis namang tumakas ang dalawang suspek na may mga alyas na ‘Onak’ at ‘Paulo’  gamit ang isang motorsiklong kulay puti na may kumbinasyon na itim na Suzuki 125 (7491 XY).

Batay sa ulat na isinumiti ni Det. Alonzo Layugan, kay P/Sr.Insp. Ismael dela Cruz, hepe ng Manila Police District (MPD)-Crime Against Persons Investigation (homicide) section, akong 7:15 ng gabi nang maganap ang nasabing insidente sa loob ng isang bilyaran sa Avenida Rizal malapit sa Laguna St., sakop ng Sta.Cruz.

Isang Jonathan Salustiano, 23, pamangkin ng biktima ang nagbigay ng salaysay sa pulisya, na umano’y nakita nito ang kanyang tiyuhin na duguang naglalakad at nang tanungin nito kung ano ang nangyari sa kanya ay sinabing binugbog at sinaksak  siya nina Onak at Paulo sa loob ng bilyaran sa nasabing lugar.

Tinangka ni Jonathan na balikan ang mga salarin, subalit hindi na nito naabutan.

Gayunman, sa pagtakas ng mga suspek sakay ng motorsiklo ay naabutan sila ng matinding trapik at sa takot na mahuli ay iniwanan na lamang ang motorsiklo sa kalsada, kaya narekober ang motorsiklo na gamit ng mga suspek.

Hinihinalang nagkapikunan ang biktima at mga suspek habang naglalaro ng bilyar na umabot sa pananaksak. Gayunman, inaalam din ng pulisya kung may iba pang motibo sa pagpatay.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129