NADAKIP na ng awtoridad ang isang lalaking no. 1 most wanted dahil sa may pitong kaso ng statutory rape sa Camarines Sur kaninang umaga, Marso 3.
Hindi na nakapalag pa at taas ang kamay na sumuko ang suspek na si Alvin Pastor, 43, walang permanenteng bahay.
Sa ulat, nakulweyuhan ang suspek alas-7:45 ng umaga sa Barangay Balasacan, Calabanga, Camarines Sur.
Bago ito, nagtago si Pastor dahil sa pagkakasangkot sa 7 counts ng statutory rape na nagawa nito may isang taon na ang nakaraan.
Simula noon ay hinanting na ito pero sadyang madulas pero biglang may nakapagsabi sa pulisya na namataan itong naglalakad sa may palengke ng nasabing barangay kaninang umaga.
Hindi naman idinetalye pa ng pulisya kung sino ang mga naging biktima ng suspek dahil sa pagiging sensitibo ng nasabing kaso.
The post May 7 kasong rape, tiklo sa Camarines Sur appeared first on Remate.