ISANG mister ang maaaring maputulan ng paa matapos tagain ng kaalitang kapitbahay kagabi sa Kaingin St., Brgy. Tinajeros, Malabon City.
Inoobserbahan sa Pagamutang Bayan ng Malabon si Rosardo Quero, Sr., 53, ng Kaingin St., sanhi ng malalim na taga sa kaliwang binti.
Pinaghahanap naman ng awtoridad ang suspek na si Pablo Candido, 32, ng nasabi ring lugar.
Ayon sa ulat, alas-8:45 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Kaingin St., Tinajeros.
Nauna rito, naglalakad ang biktima nang harangin ng suspek at inungkat ang dati nilang alitan hanggang sa magkaroon ng mainitang pagtatalo na naging dahilan para maglabas ng itak ang suspek at tinaga ang biktima.
Matapos ang insidente mabilis na tumakas ang suspek dala ang itak na ginamit habang ang biktima naman ay dinala sa pagamutan.
The post Mister tinaga sa binti ng kaalitan sa Malabon appeared first on Remate.