Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

UPDATE: Cebu septic tank tragedy, 3 lagas

$
0
0

KAWALAN ng hangin sa baga o asphyxia ang sanhi ng pagkamatay ng tatlong lalaking naglilinis ng septic tank sa Cebu nitong Linggo ng gabi.

Patay na nang idating sa ospital sa Lapu-Lapu City ang mga biktimang sina  Mark John Escaras, 15, Joel Menguito, 42 at Ismael Tajanlangit, 31.

Naganap ang insidente alas-7:30 nitong Linggo ng gabi sa isang bahay sa Poblacion Cordova, Cebu.

Bago ito, pinaglinis ng may-ari ng bahay na hindi nakuha ang pangalan ang tatlong biktima ng kanilang septic tank pero habang nagtatrabaho ay nawalan ng malay sina Menguito at Tajanlangit.

Sumaklolo naman si Escaras sa dalawang kasamahan pero maging ito ay hindi na rin nakalabas ng septic tank dahil nawalan na rin ito ng ulirat.

The post UPDATE: Cebu septic tank tragedy, 3 lagas appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>