Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Kelot patay sa nabuwisit na pasahero

$
0
0

PATAY ang isang lalaking taga-singil ng bayad sa mga pasahero matapos barilin ng hindi pa kilalang salarin nang maasar ang huli sa mga sinasabi ng una sa Caloocan City, Linggo ng madaling-araw, Marso 2.

Hindi na umabot nang buhay sa Jose Rodriguez Hospital sanhi ng tama ng bala sa katawan si Jefferson Labitoria, 26, ng Pag-asa, Camarin.

Sa ulat, alas-2 ng madaling-araw, taga-singil ng bayad ng mga pasahero ang biktima sa ipinapasadang jitney ni Jeffrey Gumba kung saan kabilang ang suspek sa mga pasahero at pagsapit sa Bagong Silang ng lungsod ay nagsalita ang napatay na “Yung mga wala pang bayad, magbayad na”.

Sumagot ang suspek na “Bayad na kami” at naramdaman ng biktima na galit ang una bago muling nagsalita na “O yung mga nag-iinit diyan” na sinagot naman ng suspek na “Kanina pa kami nag-iinit”.

Ilang mga pasahero ang nagbabaan at nilapitan ng suspek ang biktima bago walang salitang binaril bago bumaba ng jitney at tumakas habang dinala naman ang biktima sa JRH.

Inaalam na ng mga pulis kung sino ang suspek.

The post Kelot patay sa nabuwisit na pasahero appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>