Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Opisyal ng PNP, inireklamo ng pambubugbog

$
0
0

NAGSAMPA ng reklamo ang isa sa mga tauhan ng demolition team ng Metro Manila Development Authority (MMDA) sa isang mataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) nakatalaga sa Police Regional Office 4  (PRO4), matapos umano nitong bugbugin at dakpin, dahil sa umano’y paggiba ng kanyang tindahan sa ilalim ng tulay ng Nagtahan sa Sta.Mesa, Manila kamakalawa.

Dahil dito, bumagsak sa tanggapan ng Manila Police District-General Assignment Investigation Section (MPD-GAIS) dahil sa kasong obstruction of justice na isinampa laban kay P/Sr.Insp. Ernesto Garcia, residente ng 1512 Nadelco St. Sta. Mesa, ni Noel Fetalvero, Assistant Engineer sa DPWH at isang Alfredo Palajos, laborer ng DPWH na umano’y nakatikim ng bugbog sa nasabing opisyal ng PNP.

Batay sa report na isinumiti ni SPO1 John Cayetano kay P/Sr.Insp. Ramon Meneses, hepe ng MPD-GAIS, naganap ang insidente sa pagitan ng alas 9:30 hanggang 11:00 ng tanghali sa ilalim ng Nagtahan Bridge, habang isinasagawa ang demolition sa mga residente sa nasabing lugar.

Nabatid sa inihaing reklamo ni Fetalvero, matagal na umano silang nagpadala ng mga notice at nakipag-usap sa mga residenteng umu-okupa sa lugar dahil nakatakda na umano itong kumpunihin ng DPWH makaraang masunog noong nakalipas na Hulyo,2012, pero binalewala umano ito ng ilang residente kabilang na si Garcia.

Dahil dito,isinagawa na ang demolisyon sa mga struktura. Naging mapayapa naman ang demolisyon pero pagtapat sa inookupang lugar ni Garcia ay lumapit ito at saka hinatak ang kamay ni Fetalvero, at saka pinilipit at sinabing inaaresto umano niya si Palajos dahil sa illegal na demolisyon.

Naawat lamang ang komosyon nang rumesponde sina SPO3 Alvin Eustaquio, SPO1 Jonathan Rojas at ang iba pang mga tauhan ng MPD-Sta. Mesa Police Station 8, kasama ng demolition team at saka dinala sa MPD-headquarters si Garcia.



Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Trending Articles


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.


UPDATE SC IDOL: TWO BECOME ONE


KASAMBAHAY BILL IN THE HOUSE


Girasoles para colorear


Presence Quotes – Positive Quotes


EASY COME, EASY GO


Love with Heart Breaking Quotes


Re:Mutton Pies (lleechef)


Ka longiing longsem kaba skhem bad kaba khlain ka pynlong kein ia ka...


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


FORTUITOUS EVENT


Pokemon para colorear


Sapos para colorear


Smile Quotes


Letting Go Quotes


Love Song lyrics that marks your Heart


RE: Mutton Pies (frankie241)


Hato lada ym dei namar ka jingpyrshah jong U JJM Nichols Roy (Bah Joy) ngin...


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>