ITINATAG ng Philippine National Police (PNP) ang bagong unit na mahigpit na magbabantay sa mga kapulisan na masasangkot sa iligal na aktibidades.
Sinabi ni PNP Spokesperson Sr. Supt. Generoso Cerbo, ang bagong tatag na Special Concerns Section sa ilalim ng PNP’s Intelligence Group ay pamumunuan ni Senior Supt. Noli Ozaeta.
Ang Special Concerns Section, na binuo kapalit ng IG’s counter-intelligence unit, ay naatasan na kilalanin ang mga pulis na masasangkot sa katiwalian o pangongotong.
Sinabi rin ni Cerbo na ang bagong unit ay binigyan ng awtoridad para dakpin ang mga pulis na ginagamit ang kanilang posisyon para magkasa ng illegal activities.
Nadismaya kasi si PNP chief Director General Alan Purisima sa trabaho ng counter-intelligence unit dahil sa alegasyon na si Supt. Hanzel Marantan, intelligence officer ng Calabarzon region, ay nagkasa ng isang rubout imbes shootout sa Atimonan, Quezon nitong nakaraang Enero 6 na nag-iwan ng 13 kataong patay.