SUGATAN ang walo katao sa nangyaring pagsabog sa North Cotabato, alas-8:45 kagabi .
Kinilala ang mga biktima na sina Kryza Jane Torrejas, 13; Virginia Cablas, 56; Quintin Trastisa, 32; Lezel Ann Pocapotan, 14; Paula Angelie Masicampo, 20; Rodrigo Cataytay, Jr, 31; Bernie Cuerpo, 22; habang nasa malubhang kondisyon naman si Charles Monsanto Guhitia, 22.
Ang mga ito ay pawang residente sa bayan ng Midsayap.
Ayon kay Midsayap Deputy Chief of Police, S/Insp. Henry Narciso, dalawang hindi kilalang suspek na lulan sa isang motorsiklo ang naghagis ng granada sa gilid ng fish section sa public market ng Midsayap North Cotabato.
Dahil sa lakas ng pagsabog, maraming sibilyan ang malubhang nasugatan na agad isinugod sa Pisante Hospital sa bayan ng Midsayap.
Ngunit ang mga biktima ay agad inilipat sa Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) sa lungsod ng Cotabato.
Nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Midsayap PNP sa pamumuno ni Supt. Reinante Delos Santos para matukoy at mahuli ang mga suspek sa naturang pangyayari.
The post 8 sugatan sa pagsabog sa North Cotabato appeared first on Remate.