Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Cement mixer nagliyab sa Quezon City

$
0
0

DAHIL sa kawalan ng fire extinguisher, nasunog ang isang cement mixer nang magkaroon ng problema sa electrical wiring nito kaninang ala-1 ng madaling-araw, Marso 4 sa Quezon City.

Sinabi ng drayber nito na si Mark David, patungo siya sa Taguig City para kumuha ng semento nang may maamoy na nasusunog kaya hininto niya ang sasakyan sa may C-5-Katipunan Southbound, Bayanihan, QC.

Nang kanyang silipin ang ilalim ng naturang trak, malaki na ang apoy pero dahil walang nakaimbak na fire extinguisher ay nilamon na ito ng apoy.

Ayon kay David, nagtataka siya kung bakit nasunog ang trak samantalang bagong bili pa lamang ito ng kanyang amo at ngayong araw pa lamang ibiniyahe.

Rumesponde naman ang mga tauhan ng Bureau of Fire Protection (BFP) at walang nadamay sa sunog na tumagal lamang ng ilang minuto.

Ayon kay Senior Fire Officer 1 Rolando Valena ng Bureau of Fire Protection (BFP), posibleng problema sa electrical wiring ang naging sanhi ng pagliyab ng trak.

Payo naman nito na dapat may fire extinguisher din sa loob ng mga sasakyan para may magamit na pang-apula sakaling may sumiklab na apoy.

The post Cement mixer nagliyab sa Quezon City appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>