APAT ang patay habang pito ang sugatan nang magsalpukan ang dalawang sasakyan sa isang tulay sa Negros Occidental, kaninang umaga, Marso 4.
Sinabi ng Hinigaran Police, apat ang agad binawian ng buhay habang pito naman ang isinugod sa pagamutan sanhi ng kapansanan sa ulo at sa iba’t ibang parte ng katawan.
Hindi naman nakuha ang mga pangalan ng mga namatay at ng mga nasugatan.
Sa ulat, naganap ang insidente alas-8:10 ng umaga sa Tanalo bridge sa Hinigaran, Negros Occidental.
Bago ang insidente, magkasalubong na tinatakbo ng isang pampasaherong Ceres at isang minibus ang nasabing tulay.
Pagdating sa kalagitnaan, sa hindi malamang dahilan ay biglang nagsuwagan ang dalawang sasakyan.
Isinugod ang mga sugatang pasahero sa isang ospital sa Bacolod City.
The post Minibus, van nagsalpukan; 4 patay, 7 sugatan appeared first on Remate.