SINUSPINDE na rin ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang Mayamy Transport matapos araruhin ng bus ang pitong iba pang sasakyan sa bahagi ng North Fairview sa Commonwealth Avenue, Quezon City nitong Sabado.
Sa naunang report, lima ang nasugatan sa nasabing aksidente.
Ayon kay LTFRB Chairman Winston Ginez, matapos matanggap ng kompanya ang suspension order ay isasalang sa road worthiness inspection ang mga bus ng Mayamy Transport.
Apektado ng imbestigasyon ang driver at konduktor ng bus na tumakas matapos ang aksidente.
Ani Ginez, kailangang sagutin ng Mayamy ang gastos sa pag-aayos sa mga nasirang imprastraktura sa kalsada.
Sumampa sa center island ang naaksidenteng bus nang tumawid ito mula sa southbound lane patungong northbound lane na ikinasira ng kalsada.
Sinisilip din ng LTFRB ang ilang kapabayaan ng driver na umaming nakatulog siya kaya nagkaroon ng aksidente.
Nahulog pa sa upuan ang driver dahil hindi ito nakasuot ng seat belt.
The post Mayamy bus sinuspinde ng LTFRB appeared first on Remate.