SUGATAN ang dalawa katao matapos sumadsad pailalim ang sasakyan sa likurang bahagi ng bus ng EDSA-Guadalupe southbound sa Makati City, kaninang madaling-araw.
Ayon sa ulat ni MMDA traffic constable Melencio Martinez, alas-2:00 kaninang madaling-araw nang bumangga sa likurang bahagi ng Admiral transport bus ang Innova AUV.
Ayon sa report, lasing ang naturang drayber kaya pumasok pailalim sa bus at naipit ito sa loob ng sasakyan.
Nahirapang tanggalin ng rescue team ang lasing na drayber sa loob dahil sa tindi ng pagkakaipit.
Umabot ng halos isang oras bago natanggal ang naipit na drayber at madala sa ospital.
May kasama rin itong isang babae na unang isinugod sa ospital.
Bagama’t idinepensa ng drayber ng bus na si Jomar Galme ang insidente, sinabi ni SPO1 Andy Vale na iniimbestigahan pa ang insidente at posibleng magkaroon ito ng kaso.
Nabatid na walang makitang driver’s license si Galme at tanging traffic violation ticket lamang ang ipinakita nito.
The post Bus sinuwag ng SUV sa EDSA-Makati 2 sugatan appeared first on Remate.