KALABOSO ang sampung estudyante nang maaktuhan habang nasa gitna ng initiation rites sa Barangay Bigaa, Legazpi City.
Kinilala ang mga estudyante na sina Jerry Lodana, 18, ng Barangay Quirangay Camalig; Salvador Abila, Jr, 20, ng Matacon Polangui; John Rex Radan, 18, ng San Isidro, Claveria Masbate; Jose Nelson Racal, 21, at Arlou Jardiniana, 24, ng Barangay Rawis, Legazpi City; Jason Millare, 22, ng Barangay Tagas, Daraga; Mon de Mata, 20, ng Sentro Placer Masbate at Rey Castuera, 35.
Sinasabing nagpapatrolya ang mga barangay tanod at kagawad sa lugar ng isang concerned citizen ang lumapit sa kanila para ipaabot ang ginagawang hazing ng mga college student ng isang pribadong paaralan sa lungsod.
Nang maabutan sa compound ng kinilalang si Michael Pineda, tumambad sa kanila ang estudyanteng pinahihirapan.
Dito na isa-isang dinakip ng mga awtoridad ang mga ito at agad na dinala sa himpilan ng pulisya para sa imbestigasyon.
The post 10 estudyante naaktuhan sa hazing kalaboso appeared first on Remate.