DAHIL sa umiiral na kaguluhan, pinag-aaralan ngayon ng pamahalaan ang pagpigil sa deployment ng overseas Filipino workers (OFW) sa Ukraine.
Inihayag ni Labor Secretary Rosalinda Baldoz, tumatayong chairman ng governing board of the Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang masusing pag-aaral sa deployment ban.
Ayon kay Baldoz, nakatakdang mag-convene ang mga miyembro ng nabanggit na board para pag-usapan ang pagpapataw ng temporary ban sa Ukraine.
Nakataas ngayon ang crisis alert level 2 sa Ukraine dahil sa tensyon na nagaganap sa nabanggit na bansa.
Samantala, isang key Ukrainian figure ang naghayag na walang nakikitang pag-asa para mapahupa ang tensyon ngayon sa kanilang bansa.
Ito’y sa kabila ng pag-uusap umano ng Ukraine at Russian defense at iba pang opisyal gaya ni US Secretary of State John Kerry.
The post Deployment ban sa Ukraine, pinag-aaralan na appeared first on Remate.