IMBES mabulok sa kulungan, mas pinili ng ex-convict ang lumaklak na lamang ng pesticide matapos ireklamo ng sariling anak ng panggagahasa sa Sorsogon kaninang umaga, Marso 5.
Hindi na umabot nang buhay sa pagamutan sanhi ng pagkalason ang 49-anyos na hindi pinangalanang suspek na residente ng Castilla, Sorsogon.
Sa ulat, naganap ang insidente sa mismong tanggapan ng Castilla PNP na nasa Castilla, Sorsogon.
Bago ito, inireklamo ng panggagahasa ng 13-anyos na dalagita ang kanyang sariling tatay kaya hinuli ito ng mga pulis sa kanilang bahay kaninang alas-8 ng umaga.
Pero dahil biglang sumama ang pakiramdam, idinaan muna ang suspek sa ospital para ipatingin pero pinalabas din ng doktor at sinabing nininerbiyos lamang.
Pero nang nasa presinto na, biglang bumula ang bibig nito, namutla ang labi na parang malalagutan ng hininga.
Nabatid na bago arestuhin ay uminom ng juice ang suspek na hinaluan pala ng pesticide.
Lumalabas na dati nang nakulong ang suspek sa kasong murder ngunit nakalaya rin matapos mabigyan ng parole.
The post Ex-convict na humalay sa anak, lumaklak ng pesticide appeared first on Remate.