PITONG miyembro ng kidnap for ransom robbery holdup group ang naaresto ng National Bureau of Investigation Anti-Organized Crime Division sa isinagawang operasyon sa Antipolo, Rizal.
Nabatid na kabilang sa mga naaresto ang mga dating sundalo na sina Noel Alipio, Edgar Alipio at isa pa.
Napag-alaman na isang Chinese national ang balak dukutin ng mga suspek ngunit naunsyami nang may mag-tip sa mga awtoridad.
Nasa kustodiya na ng NBI ang mga suspek at nakatakdang isailalim sa inquest proceedings.
The post 7 KFR member arestado ng NBI appeared first on Remate.