NAKUWELYUHAN na ng awtoridad ang pumatay sa isang Ati tribe leader sa Boracay, mahigit isang taon na ang nakararaan, ayon sa ulat kaninang umaga, Marso 5 ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC).
Ang suspek na si Daniel Celestino ay nahuli sa kanyang hideout sa Barangay Palasan sa Sta. Cruz, Laguna.
Ayon sa pahayag ng PAOCC, nahaharap ito sa kasong murder sa Aklan Regional Trial Court, na siya ring nag-utos na hulihin ito sa pagpatay sa biktimang si Dexter Condez na siyang spokesperson ng Boracay Ati Tribal Organization.
Ayon sa testigo, mismong si Celestino ang bumaril kay Condez habang ito ay pauwi sa kanyang bahay sa Sitio Lugutan, Bgy. Manoc-Manoc, Boracay Island noong Pebrero 22, 2013.
Si Celestino ay kasalukuyang nakakulong ngayon sa Laguna Provincial Police Office jail.
The post Pumatay sa tribe leader sa Boracay, tiklo appeared first on Remate.