PATAY ang isang lalaki matapos masagasaan sa Jones bridge, Maynila kaninang madaling-araw.
Kinilala ang biktima na si Anastacio Tadjie, isang sekyu.
Ayon sa report, isang Juner Matados ang kasabay ng biktima na bumabaybay sa kahabaan ng tulay ala-1:00 ng madaling-araw nang mabangga ng L-300 van na kulay puti.
Nabatid na pasuray-suray din ang biktima bago ito nabundol.
Nanawagan naman ang kamag-anak ng biktima na sumuko ang driver ng van na nakabundol sa biktima.
Inaalam din ng pulisya kung may kuha ng CCTV ang lugar habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon.
The post UPDATE: Sekyu nabundol sa Jones bridge, todas appeared first on Remate.