DAHIL kapwa nadarang sa tawag ng laman, isang magnobyo ang dinampot ng pulisya nang mahuling nagtatalik sa loob mismo ng sinehan sa Butuan City nitong Miyerkules ng gabi, Marso 5.
Nakakulong na sa Butuan City Police Station detention cell at nahaharap sa kasong public scandal ang magnobyong itinago sa pangalang Romeo and Juliet, kapwa 19-anyos at residente ng Barangay Pagatpatan at Barangay Doongan, Butuan City.
Sa ulat, naganap ang insidente alas-8:45 p.m. sa sinehan ng isang mall sa nasabing lungsod.
Ayon sa security guard ng nasabing sinehan na si Salmiro Gerandoy, may nagsumbong sa kanya na may ginagawang milagro ang isang lalaki at isang babae sa may dulong bahagi ng balcony section ng nasabing sinehan.
Tawag ng tungkulin, palihim na pinuntahan ni Gerandoy ang kinaroroonan ng magnobyo at naaktuhang walang pantalon ang dalaga at paupong nakapatong sa kanyang nobyo na nakababa naman ang pantalon at brief hanggang tuhod.
The post Magnobyo na nagtalik sa sinehan, tiklo appeared first on Remate.