Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Malabon city hall employee nagpatiwakal

$
0
0

NAGPATIWAKAL sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili ang isang kawani ng Malabon City hall sa kuwarto ng kanyang nakatatandang kapatid sa Brgy. Baritan.

Dead on the spot sa pinangyarihan si Ernesto Leaño, 49, kawani ng City Environmental Police Office (CEPO) ng Malabon City hall at residente ng 26 Bernardo St., Baritan ng lungsod sanhi ng isang tama ng bala ng kalibre 38 sa kanang sentido.

Base sa isinagawang imbestigasyon ni P03 Rommel Habig, may hawak ng kaso, alas 8:00 kahapon ng umaga nang maganap ang insidente sa loob ng kuwarto ng nakatatandang kapatid nitong si  Grace Leaño Jocson.

Ayon kay Malabon Police Chief, Sr. Supt. Severiono Abad, nadiskubre ng mga kapatid ang biktima na nakahiga sa likod ng kama ng kanyang ate na si Grace Leaño Jocson hawak pa ang baril na ginamit.

Inaalam na kung may foul play sa insidente.

The post Malabon city hall employee nagpatiwakal appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>