BAUCHI, NIGERIA – Dahil sa pakikipagtalik sa kapwa lalaki, apat na Nigerians sa lungsod ng Bauchi sa Nigeria ang nilatigo ng 20 beses bilang kaparusahan.
Ang apat na hindi pinangalanan ay hinatulang guilty ng korte sa Bauchi dahil sa gay sex.
Sinabi ng activists na pinilit umamin ang apat na pawang Muslim, matapos silang tortyurin.
Bukod sa paglatigo, pinagmumulta rin ang apat ng hindi pa mabatid ng halaga ng pera.
Nabatid na isang iligal na gawain sa Nigeria ang homosexual acts at ban na rin doon ang same-sex marriage.
Hindi rin pinahihintulutan sa publiko ang pagpapakita ng affection ng mga same-sex couple.
The post 4 Nigerians nilatigo sa pakikipagtalik sa kapwa lalaki appeared first on Remate.