SA tiyan tinamaan ng bala ang isang public school teacher habang nakaligtas naman ang misis nito nang holdapin at barilin ng mga miyembro ng “Hablot Gang” sa Barangay Banaoang, Sta. Barbara, Pangasinan.
Nagpapagaling na sa pagamutan ang biktimang si Ferdinand Mangasir, 46.
Bagama’t hindi tinarget ng mga salarin, na-trauma naman ang misis ni Mangasir na si Geraldine.
Bago ito, lulan sa kanilang motorsiklo ang mag-asawa at papasok na ng bahay mula sa pamamalengke nang hablutin ang bag ng naturang ginang ng dalawang suspek na sakay ng motorsiklo.
Pero nakipagbuno si Geraldine sa umagaw sa kanyang bag kaya inambahan siya nitong barilin.
Wala nang nagawa, ibinigay ni Geraldine ang kanyang bag na may lamang P2, 000 at mahahalagang dokumento pero bago tumakas ay pinatamaan ng isang beses si Ferdinand sa tiyan.
The post Titser butas ang tiyan sa holdaper appeared first on Remate.