TATLONG lasing ang nasugatan sa magkakahiwalay na aksidente sa Quezon City kaninang madaling-araw, Marso 9.
Halos hindi makatayo sanhi ng kapansanan sa katawan ang mga biktimang sina Marlon Alcalas at Jett Lee Jimenez nang tumbukin ng isang taksi ang kanilang motorsiklo sa East Fairview, QC dakong 4 ng madaling-araw.
Depensa naman ng taxi driver na si Alejandro Rollan, hindi siya ang nakasagi sa mga biktima at inginuso ang isang van na may plakang UMA- 897.
Tinutugis na ngayon ng pulisya ang nagmamaneho ng nasabing van para panagutin sa aksidente.
Ilang minuto lang ang nakaraan, isa pang lalaking lasing na nakikilalang si Dodong Taba ang sinuwag naman ng isang taxi sa may Balintawak, QC.
Duguan ito at hindi halos makapagsalita habang tumakas naman ang taxi driver.
The post 3 lasing sugatan sa aksidente sa QC appeared first on Remate.