Quantcast
Channel: Police – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129

Davao Occ.,Tagbilaran City at Pangasinan nilindol

$
0
0

INUGA ng 4.1 magnitude na lindol ang Davao Occidental, Tagbilaran City at Pangasinan kaninang umaga, Marso 10, 2014.

Ayon sa Phivolcs, unang naramdaman ang pagyanig sa kanluran ng Sarangani, Davao Occidental, alas-10:50 ng umaga.

Sinabi ng Phivolcs na ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng pagyanig ay 326 kilometro.

Kaugnay nito, naramdaman naman ang 3.3 magnitude na lindol sa silangan ng Tagbilaran City, alas-5:43 ng umaga.

Ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim ng pagyanig ay 016 kilometro.

Samantala, naramdaman naman ang 3.7 magnitude na lindol sa kanluran ng Bolinao, Pangasinan, alas-12:38 ng madaling-araw.

Ang origin ng lindol ay tectonic at ang lalim sa lupa ng pagyanig ay 034 kilometro.

Wala namang iniulat na napinsala o inaasahang aftershocks sa naturang lindol.

The post Davao Occ.,Tagbilaran City at Pangasinan nilindol appeared first on Remate.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 8129